Homemade Kimchi Recipe by Chef Ian Dalida Galza

Kimchi ang pulutan hehehe gumawa ako home made….My home made kimchi….
Note: hindi biro gumawa maraming proseso pero worth it…

Ingridients: petchay baguio, labanos, pwedeng may carrots, leeks or dahon ng sibuyas, bawang,luya, sibuyas puti, apple, patis, asin, asukal, fresh alamang, (Gochujang Korean chili paste), Korean chili powder,glutenous rice.

Image may contain: food

  • Hugasan ang mga gulay hiwain ang petchay ayon sa gustong sukat.
  • Asinan ang petchay hanggang sa malanta hugasan at pigain patuyuin.
  • Maghiwa ng carots labanos ng julienne cut/strips.
  • Magbalat ng bawng sibuyas apple luya pagsamasamahin sa blender
  • Timplahan ng asin asukal alamang patis gochujang
  • Iblender lagyan ng konting tubig para maging paste.
  • Magluto ng glutenous rice pagmalapot na ang glutenous rice at malamig na.
  • Kumuha ng isang bowl at pagsamasamahinhin ang glutenous rice at yung binelender na paste at chili powder yan ang magiging base ng kimchi.
  • Pagsamahin ang hiniwang labanos, carrots at petchay baguio lagyan din ng dahon ng sibuyas
  • Ibuhos ang ginawang kimchi base haluin hanggang sa magsamasama ang mga sangkap.
  • Isalin sa nais nyong lalagyanan at pwede ng kainin.
  • Masmasarap kainin pagnaburo n ng 1 o 2 araw sa ref.

Tip: sa Korean store kayo bumili ng Korean chili powder dahil yun yung authentic at ginagamit talaga.

Want to get featured on Pulutan Club?

Share This