Kanya kanyang diskarte lang yan. Ikaw ano ang ligaw moves mo?
Generations have different takes on how to do their move sa panliligaw. How does the technology affect the way we court or make lambing for our love ones or iniirog. We gathered some ways and differences in styles but one thing is still glaringly evident: Ibang klase magmahal ang pinoy. Cheers!
1. Music
Noon: Harana, kasama ang barkada at gitara.. naka polo at lonta para japorms
Dati: Songlist na naka Casette, pinapaabot kay bestfriend kasi shy-type
Ngayon: Share lang ng Playlist sa Youtube at Spotify
2. Letters
Noon: Sulat sa papel, pinapaabot sa kaibigan
Dati: Sulat sa stationary paper, hinuhulog patago sa bag ng nililigawan
Ngayon: Text or Messenger lang sapat na
3. Flowers
Noon: Bulaklak, gumamela o santan basta madaling makuha sa kabukiran
Dati: Flowers sa Dangwa, tumatawad pa, roses na ibat ibang kulay, anak ng putakti nauso ang blue roses na binabad sa food coloring
Ngayon: Holland Tulips pinadeliver pa sa uber o grab
4. Date
Noon: Magdadate may chaperon pa, maglalakad lakad sa dalampasigan o sa kabukiran, under the stars pa kung swerthin. Pagtaga Manila: Luneta, Roxas Boulevard at Antipolo ang punta.
Dati: Magde-date sa sinehan tapos kakain sa fastfood, magsusubuan ng fries, ang drinks iisa lang ang straw, holding hands lang sa dilim kilig to the max na.
Ngayon: Wanna go inuman sa club? With friends pa ang peg, gusto naman magsolo
5. Home Visit
Noon: Pagbumisita sa bahay ng nililigawan, kailangan magpaalam sa magulang.. may regalo sa parents para maluwag ang pagtanggap
Dati: Sa school na ang ligawan, pero di na kailangan magpaalam sa magulang kung bibisita basta magpaalam kung lalabas
Ngayon: Hi, Mom, si Inigo nga pala boyfriend ko, We’ll just go out, okay bye!
6. Calling the House
Noon: Pagtumawag ka sa bahay ni Crush: Maari po bang makausap si Nadine? Si Inigo po to kaibigan nya
Dati: Hello party line, pwede paki baba, tatawag ako sa nililigawan ko..
Ngayon: Babe, videocall mo naman me after you study later, si Mom kasi may errands lang.
7. Transportation
Noon: Tsinelas o wala, okay lang.. kung swerte may kalesa o kabayo
Dati: Jeep or bus, kung nakakaluwag may taksi… basta magkasama ok na.
Ngayon: Kasama sa Japorms ang Tsikot, kung wala Uber o Grab nalang.
8. Courting by Sight
Noon: Ligaw tingin, tulo laway maski masunugan walang makakaputol sa lagkit ng tingin.
Dati: Ligaw tingin, inarbor ang pic sa class attendance o sa bestfriend.. minsan ginupit pa sa yearbook.. buntong hiningang kasing lalim ng balon.
Ngayon: Stalker sa FB at Instagram, screenshot para may copy ng picture.. share to self ang mga video ni crush, download mamaya pagmabilis na ang internet.
9. Kilig
Noon: Madampian lang ang kamay at makita ang sakong kilig level 999999 na
Dati: Holding hands lang, pasway sway pa, kung magkiss sa pisngi lang sabay yakap.. King of the World na ang feels.
Ngayon: Netflix and Chill? Nuff said.
10. Forever
Noon: May Forever, papunta na sa part na “… and a day!”
Dati: May Forever pero minsan wala depende sa komporme basta mahala ay importante
Ngayon: Ano ang forever? Sana meron non.. Nabibili ba yun? Anong App ang dapat i-download? Forever starts tomorrow after a week no more forever.