I-tag na silang lahat para magkaalaman na!
The inuman is not complete without these people and we better point them out and their tell-tales. Below is the list of people you encounter in your next inuman-sesh. Sino ka sa mga to?
The Starter
Typically the one that does the roll call and nagsisimula ng pag-aaya ng inuman. Minsan nagyaya lang pero hinde sumisipot.
The Bangkero/ Financier
The big spender, normally taya lagi sa inuman. This is his/her philanthropic way of sharing his/her blessings.
The Tangero/ Bar Noble
Sya ang bahala sa tagay, the mix and the amount of dosage. Minsan sya din yung madaya sa tagay.
The Documentation Specialist
Photographer and videographer rolled into one. Sya bahala mag-upload at mag-tag sayo sa IG, FB at social media sites.
The Runner/ Designated Driver
Normally sya ang pinaka mahina uminom. Enjoy his/her presence, sya din maghahatid sayo after ng bisita mo sa Warak City.
The That’s Entertainment
The all around entertainment package, kumakanta, sumasayaw at nagpapatawa. Kaso medyo swapang sa songlist, humirentado kung sumayaw at maingay.
The Pulutan Master
Di alam kung anong pwedeng pulutanin? No problem, sya bahala dyan. Swak sa panlasa, paborito ng lahat maski pagkainin ka pa. Sya din pinaka wagi mamulutan! Huminga ka naman!
The James Bond
Ang laging di nagpapaalam sa asawa o girlfriend, nahuhuli naman lagi. Kung magpa-alam laging uwi-weh!
The Sleeping Drunken Master
Ang tropa mong laging mabilis malasing pero wag ka, maski tulog tumatagay. And when he/she wakes up pasok pa din sa banga ang hirit at jive sa kwentohan.
The Ninja Hokage
Ang kaibigan mong laging may balak, mas matulis pa sa barbeque stick. Na-ininlove kung lasing, kahit sino pa man yan, hahamakin lahat!
Maagkaka-alaman na sa susunod na inuman. May kulang pa ba? Kilalanin na sila! Cheers!