Pasok ba sa listahan ang Paborito mo?
Kung amats lang din ang pag-uusapan, lahat ng alak pantay pantay naman, nagkakatalo lang sa presyo at panlasa at syempre sa dami ng kakayanin mong ipasok sa bahay alak mo. So in different price range, we put up two alcohols against each other, and determine, ano ang mas sulit? Cheers!
BUDGET: Below 100 pesos (Pampatulog Level)
1 set ng Ginebra Gin (P60 with power juice and ice) vs 1 liter Red Horse Mucho (P83/bottle) – Bilis ng tama ang laban, mas mura ang Ginebra, malakas din ang Red Horse pero hinde wasak. PANALO: Red Horse, baso lang ang kailangan relax na agad.
1 Gallon ng Tuba (P100/gallon) vs 1 Liter Red Horse Mucho (P83/bottle) – Masarap ang tuba, natural at walang hangover, pero madaling bumili ng Red Horse kahit saang tindahan. PANALO: Red Horse
1 Set of 750ml Emperador (P100 with power juice and ice) vs 1 Liter Red Horse Mucho (P83/bottle) – Oras ang labanan, sakto lang ang Empi pero baka umagahin ka, Red horse naman baka mabitin naman. PANALO: Red Horse, okay lang medyo mabitin, basta makapagpahinga agad.
1 500ml can of Bali El Diablo 12% Beer (P67/can) vs 1 Liter Red Horse Mucho (P83/bottle) – Lasa ang batayan, malakas pumitik ang diablo, di naman magpapahuli ang kabayo pero pagdating sa lasang blade ng diablo, alam mong masarap ang kabayo. PANALO: Red Horse
Mukhang na-landslide ng Red Horse ang Pampatulog Level, kapuluts, ito din ba ang panalo sa inyo?