Pasok ba sa listahan ang Paborito mo?
Kung amats lang din ang pag-uusapan, lahat ng alak pantay pantay naman, nagkakatalo lang sa presyo at panlasa at syempre sa dami ng kakayanin mong ipasok sa bahay alak mo. So in different price range, we put up two alcohols against each other, and determine, ano ang mas sulit? Cheers!
BUDGET: Below 300 pesos (Saktuhang Inom Level)
1 bucket ng San Mig Light (P300/bucket) vs 2 sets 1liter Emperador Lights ( P150 per set) – Parehong masarap, ngunit lamang sa dami ang Emperador, para sa usapang kalokohan o seryoso PANALO: Emperador
1 gallon Lambanog (P300/gallon) vs 1 bucket ng Red Horse (P300/bucket)– Matikas ang labanan, swak sa dami at tapang ang Lambanog ngunit mas madali bumili ng Red Horse PANALO: kung marunong kang bumili ng Lambanog, alam mo din dapat na sulit sya! Lambanog ang nagwagi!
1 bottle of Wine (P300/bottle) vs 2 sets ng Ginebra Quatro Kantos (P150/set) – Pinantay natin ang labanang sosyal at praktikal, kung alam mo ang ginagawa mo sa wine, pihandong masarap sya. Kung gusto mo naman ay inumang may basbas ng markang diablo na mistulang di nauubos, Ginebra ang iyo. PANALO: Syempre, Ginebra, malakas, pamatagalan at hinde complicated.
Na-wallop ng hard drinks ang mga mahihinang inumin, Kapuluts, ito din ba ang panalo sa inyo?