Pasok ba sa listahan ang Paborito mo?
Kung amats lang din ang pag-uusapan, lahat ng alak pantay pantay naman, nagkakatalo lang sa presyo at panlasa at syempre sa dami ng kakayanin mong ipasok sa bahay alak mo. So in different price range, we put up two alcohols against each other, and determine, ano ang mas sulit? Cheers!
BUDGET: Below or a little over 1000 pesos (Tropang Inom Level)
2 case Red Horse 12pcs Mucho (P83/bottle) vs 5 set 5 liters ng Emperador Lights (P150/set) – Maliligo ba sa alak ang tropa? Mas malakas ang tama ng Empi pero sa dami ng Red Horse Muncho, pumapantay din. Ang labanan ay preference ng umiinom, maraming tumatangi sa hard pero sa beer wala. PANALO: Red Horse Extra Strong Beer
1 liter bottle Jose Cuervo Tequila (P1,099/bottle) vs 1 case San Mig Light (P33/bottle x 24pcs) – Sa matchup na to may x-factor, depende kung mas nakakarami ang chix sa inuman, tequila ang poison of choice nila, pero dahil sulit nga ang sukatan. PANALO: San Miguel Lights, wag hokage bro, dapat seryoso makipaglandian para iwas hugot.
3 Pitcher ng Weng Weng (P300/pitcher) vs 1 liter bottle Jose Cuervo (P1,099/bottle) – magandang matchup, parehong malupit pero swabe tumama, at dahil ito ang pinili mong pagpilian, nakakasiguro kami na may chix kang kasama. Ayaw naman ng paligoy-ligoy, diretchan lagi tayo dahil ito ang totoo. PANALO: Jose Cuervo, bakit kailangan itago ang lasa ng alcohol, dapat tapat, sapat and totoo para di naloloko.
Sa round na ito, nanalo ang tunay na panlasa ng Pilipino, ang top 3 brands ng kanya kanyang category.