Kusina Ni Tita Rose

Let’s all support Bianca Cruz of Kusina Ni Tita Rose!

 

How it all started

It started year 2000, simula ng nag aral ako naisipan ni Mama na mag business ng ihawan (BBQ ang pinaka gusto ng mga suki nya, meron din Pusit, Inihaw na Bangus/Tilapia, Liempo) pang dagdag sa tuition fee at baon. Hanggang sa lumago sya kasi binabalik-balikan sya ng mga tao dahil masarap ang mga timpla ng ihaw nya. To cut the story short, isa ito sa nakapag tapos ng College sakin sa Adamson University year 2017. Dahil nag lockdown, naisipan ko gawan si Mama ng online page at ngayon tuloy pa din ang business. We are grilling more than 20 years.

 

Inspiration

Ang sabi ni Mama, makapag tapos lang daw ako ng pag-aaral sa college pero hanggang ngayon tuloy pa din dahil mahal nya ang business nya. Masaya sya kapag nakikita nyang nagugustuhan ng customer at binabalikan sya. Tulong ko na ang pag promote nito sa online at sa future gusto ko sya patayuan ng restaurant. ❤

 

What are you most proud of in your place, food or service?

Pag dating sa food, hindi ka kakabahan sa sasabihin or feedback ng mga tao kasi garantisadong ang sarap ng timpla. Kakaiba sabi ng iba pwede daw patayuan ng restaurant. Service, we make sure na fresh palagi ang mga iihawin at ayaw ni mama na tinitipid ang mga customer nya.

 

What Pulutan or dishes would you recommend to first-timers and why?

Barbecue at Inihaw na Pusit. Pag nasubukan nila ‘to sure ako na babalikbalikan nila.

 

How about the drinks? 😁 What would you recommend to first-timers and why?

Wala kaming drinks sa menu, pero bagay ang inihaw na pusit and BBQ sa beer or on the rocks 🍻🥃

 

Where are you located?

Callejon 10 Sta. Ana Delpan

 

Operating Hours and How To Order

Open ang ihawan namin 3pm-7:30pm pero sa mga gusto umorder online, they can message us on facebook and instagram. Pre-order para palaging fresh ang seserve 🙂

  • https://www.facebook.com/rosebbqgrill/
  • https://www.instagram.com/rosebbqgrill/

Want to get featured on Pulutan Club?

Share This