Pulutan Budget Levels

Anong PASOK sa budget mo?

Syempre madami yan pero anong ang pinaka sulit? Ilang ang pwedeng kasama and anong alak ang best partner

P350 and Up BUDGET

Crispy Pata – 2 to 4 pax, mas madami kung ipa-sisig chop, swak sa beer pero panalo sa hard drinks para tanggal umay.

Seafood Gambas – 2 to 3 pax, order ng extra rice para sulit pati sarsa, panalo sa beer

Cebu Lechon – 2 to 6 pax, sisig chop style para lahat makasubo, hard drinks ang pantulak para di ka masyadong kiligin sa taba ng lechon.

Seafood Platter – 2 to 5 pax, depende kung saan ka oorder mas malapit sa dagat mas sulit at mas sariwa, kahit anong alak kayang itumba..

Sausage Sampler – 2-4 pax, paki hiwa ka mo ng manipis, the best sa beer lalo na pag malamig

Spicy Wings – 2 to 3 pax, go for yung may masarap na dip at fresh veggies tulad ng singkamas, carrots at celery, beer talaga ang katapat nito.

P100 to P300 BUDGET

Sisig – 2 to 4 pax, the ultimate Pinoy pulutan kayang bumangga sa kahit anong alak meron ka.

Photo by Mackiy Petina Rimorin‎

Nachos – 2 to 6 pax, madami talaga to perfect for sharing kasi nagiging soggy pagmatagal maubos, beer match talaga to!

Photo by Lorenz Luarca‎

Lechong Kawali – 2 to 4 pax, perfect ang oily food na to sa hard para ma-cut ng lasa ng hard drinks ang makahilong dulot ng pork dish na to.

Photo by Carlo Antonio G. Elicano‎

Gising-Gising – 2 to 4 pax, malasa at healthy version na pulutan that goes well sa kahit anong alak wag lang sa tuba.

Chicharon na Legit – 2 to 4, depende sa dami pero kung legit (meaning may lamat at hinde hangin) ka-blammers sya pagmay kasamang sawsawan habang tinutulak ng beer.

Photo by Jon Aquino‎

P10 to P99 BUDGET

Mani or mixed nuts – 2 to 10 pax, mapa-adobo or hubad, dingdong or sugo, may katapat na alak na kahit ano.

Photo by Rally Esquivias‎

Green Mangoes – 2 to 6 pax, basta may katapat na alamang, mahusay ang pulutan na to, hard drinks tayo dito dahil karambola sa tiyan kung beer tayo.

Balut – 2 to 4, sa P99 pesos mo sapat na ang 7pcs na balut, balatan wag itapon ang sabaw, durugin sa mangkok with chopped onions, sili at kaunting suka! Kahit anong alak pati na tuba at basi panalo to!

Cheese Sticks – 2 to 4 pax, dapat may mayo-ketchup para solid! Beer Match din to

Siomai – 2 to 4, sa P100 pesos may 4 sets ka na, hiwain sa dalawa o tatlong pieces para dumami pa, wag ibabad sa toyo mansi na may chili garlic, beer or hard walang problema.

Photo by Shane Abrenica‎

Isaw or Barbeque Hits –  2 to 5pax, depende sa dami ng mabibili, the best pa din kung tatanggalin sa stick para dumami, this time pwede mo ibabad sa sawsawan, kahit anong alak.

Photo by Jervie Jervie‎

Tokwa’t Tokwa – 2 to 6 pax, kung ikaw mismo ang magluluto P5 per piece ang pinaka okay na size so P99 mo madami na yan. Pritohin, siwain into bite size cubes, kalamansi, soy sauce, sili, sibuyas and 1 teaspoon ng brown sugar. Perfect for that healthy drinkers.

Almost Libre!

Kwento – unlimited, ganyan talaga ang buhay pag nasa mapait ka na yugto, idaan na lang natin sa kwento, hayaan mo magkakapulutan din tayo.

Sipol or Kantahan – unlimited, aba galante lol! pag-hard drinks ang tirada at medyo gipit sa budget kantahan mo nalang or shot-sipol ang labanan.

Magandang View – unlimited, minsan may mga lugar din na di mo kailangan ng pulutan dahil sa lugar kung saan ka umiinom or sa magandang misis or GF mo. View palang, busog ka na! Cheers!

 

 

Want to get featured on Pulutan Club?

Share This