Want to add more fun to your drinking parties? Andito ang sagot, bes. And simple lang ‘to. No need to learn a whole new game. This is a more adult-oriented version of the party-staple Pass the Message. What do you need and what do you have to do? Here’s what:
Prepare an assortment of drinks. It can be anything you want or anything easily available. Pwedeng alcoholic or non-alcoholic. It’s up to you. Set them aside.
Assemble your guests into teams and have them line up. Mas mabuti kung in the middle of the party gawin ang game na ito. Preferably kung medyo nakainom na pero yung mga tipsy pa lang, hindi yung nagpaplanking na sila sa sahig sa sobrang kalasingan. Walang kahit anong party game ang makakapagpatino sa mga yan pag nagkataon.
When everyone is ready, have the Game Master decide on something na ibubulong ng mga players sa bawat line, from front to the very back. Kaya nga Pass the Message tawag. Anyway, mas maganda kung tongue twisters ang gamitin ninyo to make the game more challenging. AND para mas riot ang katatawanan habang pinapanuod ang mga lasing na nakakaleche-leche na at ewan kung nagkakaintindihan nga talaga sa mga salitang pinapasa. You know naman pag nakainom na, medyo mga ano pag kinakausap.
Finally, pag may nanalo na, take out the drinks prepared earlier. The winning team will decide kung ano ang ipapainom sa mga losing teams. For example, kung isa kang tao na may busilak ang kalooban, bigyan mo sila nga softdrinks, juice, or coffee para mahimasmasan nang konti. Pero kung sadyang kamag-anak ka talaga ni Taning, painumin mo sila ng tig-iisang malaking shot ng vodka or tequila. It’s up to you nga, di ba?
You can repeat this game for as many times as you like or even put your own twist into it. Be careful lang sa mga ipapashot or iminimix na mgs penalty drinks. Wag sobrahan sa experiment. Cheers!
By: Kat Cabasan