Home How To Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 1)

Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 1)

214
6
SHARE

Anong year ka ba pinanganak? Year of the Hokage ba?

Xin Nian Kuai Le (pronounce, shin nee-an kwai le) literally means Happy Chinese New Year in Mandarin. It’s the proper way of greeting this Chinese New Year, though the more popular is Kung  Hei Fat Choi which translate to wishing someone a prosperous new year ahead. Businesses uses the greeting so people/clients/customers may wish them a great business for the new year.  Now enough of the greetings, dun tayo sa panalo. Here are your Pulutan Club predictions (with help from our friends at TheChineseZodiac.Org) about love, money and health! Cheers!


RAT (1924, 1936, 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, 2008)

by Darice Machel McGuire

Love: Wag ng choosy lalo na kung di naman masyadong yummy. Perfectionist ka nga, pero ayaw mo naman maging perfectly single panghabang buhay.

Money: Wag mag-alala, mayaman si Papa. Kung di naman, mayaman ka so keribells lang. Umiwas sa Bilmoko na BF/GF.

Health: Umiwas maging OC, nakaka-stress yan. Chill chill kunti para hinde hagard ang dating. Kaw din, bente anyos ka palang mukha ka ng singkwenta!

OX (1913, 1925, 1937, 1949, 1961, 1973, 1985, 1997, 2009)

by pixpix.co

Love: Wag matigas ang ulo… para iwas gulo. Sabi nga nila, happy wife happy life. Kung wala namang love life, dahil nga matigas ang ulo mo. Sunod sunod din pag may time.

Money: Medyo wag kampate sa stock market, mahusay pa din na i-kalat mo investments mo. Maraming college students na kailangan ng Educational Scholarship mo.

Health: Kakagaling mo lang sa sakit, kaya alagaan mo muna health mo. Enjoy life moderately, repa!

TIGER (1914, 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010)

by DiDi Higginbotham

Love: Torpe ka, pero panahon na upang labanan yan. Magtiwala sa sarili, hinde naman basta basta sasagot si bae ng oo sa ligaw tingin mo. Ano ka swerte? Maganda magdasal, lalo na kung may kasamang gawa. Time to shine, bro!

Money: Maghanap ng other source of income. Wag umasa sa sweldo lang. Humanap ng diskarte para kumita ang pera mo para sayo. Mag-memorize ng mantra: “Open minded ka ba? Kape tayo”

Health: Subukan magpahinga ng mainam at palagian. Hinde ka naman si Superman o Wonder Woman. Umiwas sa malikabok na lugar… nakaka-atching!

RABBIT (1939, 1951, 1963, 1975, 1987, 1999, 2011)

Love: Bawasan ang pagiging pokmaru, at gaganda ang lovelife mo. Nag-like lang ng profile pic mo, may crush na sayo. Kalma lang, besh, this year is a great year to fall in love. Wag naman araw araw, kaumay din sya minsan.

Money: Sorry walang malaking bonus this year, and its not your fault. Hinde lang talaga araw araw pasko. Wag matakot mag-grab ng uber gandang opportunities na related sa trabaho.

Health: Galaw-galaw din bro baka ma-high blood pero iwasan din maging kangkarot, kung muntik ka ng mapahamak wag na munang ulitin. Hinde lahat ng sinuswerte chumachamba.

Continue reading:

Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 2)
Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 3)

6 COMMENTS

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.