Home How To Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 3)

Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 3)

214
5
SHARE

Anong year ka ba pinanganak? Year of the Hokage ba?

Xin Nian Kuai Le (pronounce, shin nee-an kwai le) literally means Happy Chinese New Year in Mandarin. It’s the proper way of greeting this Chinese New Year, though the more popular is Kung  Hei Fat Choi which translate to wishing someone a prosperous new year ahead. Businesses uses the greeting so people/clients/customers may wish them a great business for the new year.  Now enough of the greetings, dun tayo sa panalo. Here are your Pulutan Club predictions (with help from our friends at TheChineseZodiac.Org) about love, money and health! Cheers!


 

MONKEY ( 1920, 1932, 1944, 1956, 1968, 1980, 1992, 2004, 2016)

Love – Pokmaru ka ngayong taon at madali kang madaling mabihag ng pana ni Kupido. Give in to the thrill, kapatid… malay mo, sya na nga talaga ang sagot sa iyong dalangin.

Money – This year is your year of spending pero wag kang mag-alala di ka mauubusan. Ikaw ang may pinaka masarap na problema buong taon. Tayaan lahat ng lotto, bingo, raffle at saklaan sa kanto. Pagnanalo ka, ambunan mo naman kami ng balato.

Health – Kailangan mong mag-meditate, mag-taichi o mag-yoga upang maging healthy ngayon taon. Sa sobrang pagkabusy mong sakupin ang mundo, pati sarili mo di mo na marinig mag-isip. Humingi ng payo kay Voldemort.

ROOSTER (1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)

Love – Ngayon ang taon na iibig ka, matinde, nanunuot na parang mantsa sa pagkatao mo. Iwasan lang ma-inlove habang lasing. Mahirap na, baka magsisi ka.

Money – Okay lang bumili ng mga bagay na gusto, wag kang matakot basta ang bibilhin mo may variety. Isang design na t-shirt pero sampong klaseng kulay, pati sa alak wag bumili ng tig-isa lang, case-case na yan. Sa alagang aso, okay ang batik na ibat ibang kulay.

Health – Mapapagod ka ngayon taon dahil sa stress at anxiety. Ibenta na yang fidget spinner collection mo at bumili na lang ng pale pilsner. Relax ka na, may amats ka pa.

DOG ( 1922, 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006, 2018)

Love – Madaling ma-inlove, madaling magsawa. Kung di pa fuccboi last year, congrats your one of them na. Hinay hinay baka ikaw ang hiwalayan ni Forever at maging TOTGA na sya.

Money – Ibang klase din ang kalidad ng laway mo, karamput lang na pambobola at kaya mo ng bilhin lahat ng gusto mo. Ang tinde mo kasing tumawad. Tanggalin sa bokabularyo mo ang mga salitang: “werpa, lodi at petmalu”

Health – Kasing tibay ng bakal ang kalusugan mo ngayong taon lalo kung kaunti lang lahat ng iinumin at kakainin mo. Kaunting beer, kaunting whiskey, kaunting gin, kaunting empi, kaunting rum sabayan mo ng kaunting crispy pata, kaunting sisig, kaunting tokwa’t baboy…etc. Gets?!

PIG ( 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007)

Love – Lover boy/girl ka talaga… Akalain mo pati si TOTGA, nagawan mo pa ng paraan. If you play your cards right, baka chumamba ka pa at magpakasal kayo. Abay kami ah.

Money – Kung gano kalaki ang pera mo sa bangko, sya ring laki ng utang mo. Mahirap din talagang mawalan ng pera, kaya wag kang mahiyang mangutang. Buti pa ang pera may tao, ang tao walang pera, ikaw may pera maski na panay utang. Wag ka na magbayad.

Health – Always count your blessing, friend. Iwasan maging nega-tron, wala naming mapapala ang pagbibilang ng negatives sa buhay. Laging magdagdag ng positibo sa buhay, alak, pulutan at pera.

Continue reading:

Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 1)
Xin Nian Kuai Le: Chinese Zodiac 2018 (Part 2)

5 COMMENTS

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.